Wednesday, December 2, 2009

Sya na nga ba?

Lahat tayo isa lang ang hanap sa buhay ang makasama ang taong mahal natin..at ako matagal ko ng hinahanap un imagine 22 yrs old na ko e nabubuhay pa sa puso ko ung fist love ko nung 13 yrs old ako (hirap kaya! lalo pa at alam mo na wala na kayong pag-asa sa isat-isa kc kinasal na sya) oo till now alipin pa rin ako ng past ko, ewan ko nga kung ano bang meron sya na hindi ko makalimutan o bakit di sya mawala - wala (cguro dahil wala kaming formal break-up?) its always open in my mind na magkakabalikan kami. Ano pa nga ba magagawa e d tanggapin na hindi na talaga life must go on db? Marami na naman akong nakilala sa bago kong trabaho C Ate May, C Ate Edith, C Mean, C May, Kuya Regie, Kuya Angel (na naging BFF ko) at c Kuya Shy type na type ni Ate May. Masaya clang kasama mas masaya kesa sa dati kong pinapasukan kc puro single kami lahat and most of all game sa lahat ng gimik at sa kagigimik namin naging closed kami ni kuya Angel dahilan para pagdudahan kami na may relationship, samin balewala un tinatawanan lang nmin kc alam namin na iba ang gusto nmin pareho, sya ang pinsan ko, at ako as usual sya parin (tatag nga e, d maalis tatak sa puso ko parang tatoo). Puro overnight at disco ang naging gimmick namin, at c ate May nag reveal na sakin na may gusto sya kay Shy type, sabi ako bahala ilalakad ko sya, at dahil mabagal pa sa pagong c Shy type or talagang d nya lang tipo c Ate Mayline may nakauna na sa kanya c kuya Nong, to make the story short naging c Kuya Nong at Ate May, c Mr. Shy type mukhang natuwa pa kc d ko na sya kinukulit... One time sa gimik namin parang pinag adya ni Lord na maging partner partner mga kasama namin maliban samin ni Shy type na parehong walang partner..hanggang sa makasanayan namin na kami ung laging magkasama sa gimik..Akala ok lang, medyo nasasanay na ko na lagi syang kasama hanggang sa d ko inaasahan na hinahanap hanap ko na sya...

Tuesday, December 1, 2009

Ang buhay parang Life!!!

Masuwerte ako kc ang nanay ko maraming kilalang pulitiko or kilalang tao sa province namin kaya sinuwete akong makapagtrabaho after graduation. Sarap pala ng feeling kapag kumikita kana you can buy anything you want at syempre makatulong sa pamilya mo. Kaya lang dahil minsan inaalat tayo lalo pa at gobyerno ang napasukan mo swerte na magtagal ka ng isang taon kung contractual ka, dahil contractual lang ako 1 taon lang tsugi na ako sa work. Mahirap din maging permanente lalo't d malakas ang kapit mo sa malalaking pulitiko o namamahala sa Gobyerno. So dahil nakapagsimula na kong mag work hinahanap hanap ko na ang sweldo tuwing 15 & 30 ng buwan pati na ang mga bonus at overtime pay. D ako sumuko nagbakasali ulit ako na pwede ulit akong makapasok at dahil na rin sa tulong ng Nanay ko ayun nakapasok na ulit ako sa iba nga ahensya ulit..at hindi ko ini expect na d2 ko makikita ang matagal ko ng hinihintay....."C MR. RIGHT"

Monday, November 30, 2009

Ang pagtatapos...

Yahoo...nakatapos na rin ako, ano kayang masarap na trabaho after this? gusto ko sana mag abroad kaya lang la kami emoy e pang ayos ng papel. Bahala na cguro c Lord kung san ako pwede db? Mamimiss ko c Cyn at Norie, at syempre ang iba pang tropa mamimiss ko ung barbecuehan sa tapat ng tambayan namin, mamimis ko ung pagtakas sa klase kapag boring ang subject, ang overnight kapag weekend...hay sarap talagang maging estudyante. Anyway pwede pa namn kaming magkita-kita in some other time db at gawin lahat ang dati naming ganagawa maliban sa pagtakas sa klase... Sa inyo guys! sobrang thankful ako na kayo ang nakasama all through the years ng buhay kolehiyo ko. Thank's talaga guys. And yesssss! we are in the next level na! at ang pinakamahirap na laro! "ANG MAGHANAP NG TRABAHO" goodluck na lang sa tin guys! See you soon!!!!!!

Nagkataon..Nagkatagpo (ikalawang pangyayari)

Oo nagkita kaming muli, sabi ko ayaw ko na tama na mahaba na ung taon na nag suffer ako pro eto kami simula ng magkita kami ng araw na un..Un na, nagsimula na syang sunduin ako at pasyalan sa boarding house na tinutuluyan ko and coincidence na kapitbahay namin ung barkada nyang isa kaya ng makita sya samin nagulat, i know na lihim sa GF nya (yes cla pa rin ng GF nya na pinsan ko) ang pagpunta nya sa bahay, d ko alam tuloy kung matutuwa ako. Sabi ni Norie at Cyn yaan ko na raw ung pinsan ko tutal ako ang una, pro hindi ako ganong klaseng tao ayaw ko ng may nasasagasaan, kaya kahit hindi ako handa sa sagot nya tinanong ko sya, yes gusto nya kaming magkabalikan and he told me that he's still loved me (sarap naman!) Sabi ng puso ko sige na pagbigyan mo na!!! pro ang utak ko kumokontra, i didn't say anything basta sabi ko masaya na ko anuman mangyari. Life goes on at hinayaan kong tangayin ako ngkaligayahang nararamdaman ko hanggang isang araw nabalitaan ko na nag away cla because of me at c babae nag tangkang mag suicide. Upss timeout! back to reality d nga pala solo ang ex ko dahil ako past and meron na syang present at nagkataon na c babae eh obsessed sa kanya, so whether its hurt or not nag decide akong umiwas na ako kesa maging talk of the town pa kami because of what happen to her. Nakakatawa, nakakalungkot, nakakaloka pro that's life db?

Nagkatoon... nagkatagpo (Unang pangyayari)

Hay naku..ilang panahon na lang pala at makakatapos na ko, dami ng nabago pro syempre ang tropa ko same pa rin, ay nadagdagan pala, the more merrier ika nga and one of them c Norie & Cyn ang naging super closed ko, bakit hindi e kc naman para kming grupo ng Banabana that time almost same in all aspect in life..kaya sobrang nakakarelate kami to each other, C Norie super kulit at bungisngis, konting joke lang parang kinikiliti na, C Cyn medyo mahiyain pro wag ka pagdating sa boys ay naku sobrang dami ng crushes puro crush lang namn (takot daw kc na bronken-hearted na before), ako makulit sad sila pag wala ako kasi sa aming tatlo ako ung astig, ako ung magulo maraming joke pero puro corny, (kaya nga ung 1st BF ko akala tibo ako..sa ganda kong to!) Ganun umiikot ang buhay namin. Masaya na ko, kuntento na ko sa routine ng buhay ko at natutunan ko na rin kalimutan sya..Oo pinag aaralan ko ng tanggapin na kaylan man d babalik ang nawala sakin. Kaya lang minsan maraming joke ang life andun ka na...bigla n nmn akong sumemplang, at na bad joke ako..at hindi ako handa dun, hindi ako handa na makita syang muli, oo sa d sinasadyang pagkakataon nagkita kami, of all places and of all people bakit ngayon pa bakit duon pa, bakit ngayon na nagsisimula na ko eto namn sya. D sinasadyang makabungguan ko sya sa eskinita ng tinutuluyan kong boarding house, akala ko bangang pa ko sa antok(nag overnight kc km ng tropa ko and may pasok ako the next day) kya d ako nakaimik ng makilala nya ako, kc ako d ko sya nakilala dahil sabi ko imposible! dalawang beses kong kinurap mata ko pero totoo nasa harapan ko sya, nakangiti, nangungumusta....ano nga ba pwede kong masabi kung natulala na ko, "e d okey" un lang, lalakad na sana ako ng sabayan nya ako (wish ko na sana wag na syang sumunod, honestly sincere na ako na kalimutan na sya) pro sumunod sya, wala akong masabi, d ko alam ang sasabihin ko..sabi ko sa sarili ko "Lord bakit ngayon ka pa nag joke kung kelan d ako handa...Hanggang ang isang pagkakataon na un ay nasundan.....

Karugtong ng Nakaraan

Lumipas na ang mga araw, linggo buwan at taon (nakatapos na nga ako ng High school e) pro ang nararamdaman ko ganon pa rin , ang pag-asa sa puso ko d pa rin nawawala(first love never dies nga ba? o dahil kahit kailan d ko sya inalis sa sistema ko.) Hirap pala ng ganun feeling para akong naghihintay sa wala, iisang bayan lang ginagalawan namin pro prang nsa ibang planeta sya dahil hindi mag krus-krus ang landas namin. Kaya ayun isang kabanata na nmn ng buhay ko ang sisimulan ko bilang isang estudyante ng kolehiyo, bagong buhay, bagong eskwelahan, bagong tropa, may bago rin kayang lovelife ang naghihintay sakin d2? (dahil till now d pa rin ako maka move-on). Hay! college na pala ako ganun kabilis lumipas ang panahon (wish ko lng sana ganon rin kabilis lumipas ang sakit pag nasaktan ka.) masaya naman, ang bago kong tropa okey lang din jologs type pa rin pro mga study hard, no hanky panky attitude (jologs nga e kya nagsusunog ng kilay). Masaya, magulo at mas seryoso ang buhay kolehiyo, aral bahay ang habit ko (kailangan kong mag aral ng todo kc d ako gifted child na alam na lahat) at sa bwat pag lipas ng araw andyan ang mga ka tropa kom, sa sya sa lungkot isama mo na pati ang mga okasyon. Akala ko masaya na ko sa ganung life pro hinde hirap pala ng walang jowa lalo na kapag may occasions (valentine esp.) Bakit nga ba d ko subukan muli baka this time maging okey na ang lahat, baka this time makalimutan ko na sya (yah! i still loved him). Sabi nga ni Lord humiling ka at pagbibigyan kita kaya ayun me naloko naman sa byuti ko, and i started to fall in love again, but when the days gone by parang may kulang pa rin? parang may hinahanap rin ako, parang d pa rin kumpleto ang lahat,?bakit d pa rin ako masaya sa kanya? At lahat ng tanong na yun nasagot...dahil till know d pa rin ako makamove-on from my past, kaya siguro d ko maibigay ng buo ang puso ko sa iba kc andun pa rin sya pag aari nya pa rin to....Mahirap, masakit lalo na kapag alam mong d lang ikaw ang nakakaramdam ng kakulangan, at alam mong may nasasagasaan kang ibang tao. Maraming beses ko sinubukang kalimutan ang lahat, ilang beses ko na rin sinabi sa sarili ko parte lang sya ng kabataan ko, pro hinde..hindi maalis alis kahit anong gawin ko, im still waiting. Kailangan ba sa pag ibig laging may nasasaktan para malaman mo ang importansya? Siguro nga... At dahil sa nararamdaman ko d ko rin matiis na gumagamit ako ng ibang tao para lang makalimot kaya ayun nag decide na lang ako na iwan sya at humingi ng dispensa at magpasalamat sa lahat ng pagtyatyaga nya. Ewan ko cguro panahon na lang makapagsasabi kung kelan nga ba ang tamang panahon para makalimot and i pray na sana dumating na un ang hirap eh..

Nakaraan na nga ba..

Maraming nagsasabi ang pinakamasarap raw na buhay bilang isang estudyante e ung high school cguro nga..bakit hinde e nung ako high school dun ko naransan mapaaway, dun ko naransan matutong uminom ng Gin na ini-straw imagine! Gin as in ung Ginebra ha! jologs pa kc ako nun ala pang emoy sabit lang kc sa barkada, pro take note ung tropa ko mga tropang behave un kya who knows na nagagawa namin un. At sa high school dyan na rin nag sisimula ang mga crushes, infatuation and of course ang puppy love na pwede na rin nating sabihing medyo serious relationship. Mag reminisce daw ba? (la lang) kc ako! 1st year pa lang may BF na ilang taon nga lang ba ako nun? (13 yrs old, agang kumarengkeng noh!) anyway, sabi nila okey lang un pro sa nanay ko bawal un kaya ayun d ko magawang ipag displeyan ang jowa ko sa takot na may sumbong sa nanay ko. Lumipas ang araw, linggo, buwan at taon na ganun ang set-up namin, sakin okey lang kc bata pa ko that time nag lalaro pa ako ng patintero nun eh, mahilig pa ako sa mga larong pambata (e kc nga bata pa!). Akala ko okey lang ang lahat sa jowa ko kc akala ko tulad ko d pa sya ganun kaseryoso pro mali pala ako, seryoso daw sya eversince na maging kami kya nga ng magsawa sa set-up namin ayun nag hanap ng kalinga ng iba... and you know who is she? (ay naku! ayaw ko sanang sabihin kc i really, really hate her) ang magaling kong P--n--s--n, oo sya nga kaya pala panay pa cute sa jowa ko kahit alam nyang kmi pa e may lihim palang pag tingin (buti nga d ko sinabunutan e) kaya ayun isang smile lang ng jowa ko bumigay na. In short naghiwalay kami at naging sila, sabi ko okey lang..cno ba sya para habulin ko (dami dyan noh!) To make story short ...after makatapos cla ng High School (kc ahead cla ng 1 yr sakin) wala na kong naging balita, pro isa lang na notice ko that time...I still love him at siguro sobrang mahal ko na sya nun pa pro d ko maamin sa sarili ko (kc nga he very much in-love w/ me kesa ako sa kanya) at naging kampante lang ako na hindi nya ako ipag papalit sa iba. Siguro nga nga were not meant for each other yan ang madalas kong sabihin sa sarili ko, pro bakit ganon ilang beses ko man sabihin yan ni sarili ko ayaw maniwala...till now.

Pano ko nga ba sisuimulan

Pano nga bang magsimula d2? D ko alam kc d nmn ako likas na mahilig sumulat of what happenning to my life lalo na kung mababasa ng iba tao pero naisip ko why not db? Wala nmang bawal sa mundong to, mahilig ako makibasa ng blog ng may blog at mag kritiko kya cguro ayaw ko nito kasi ayaw kong makritiko ng iba who really i am..